Thursday, August 9, 2007

The Healing Mass at Mall of Asia

We've heard about these healing masses months ago. Na feature na din sya sa Jessica Sojo Report. Kinuha pa nga namin yung mga contact numbers nila kasi gusto naming puntahan kaso walang time.

Last June, when we are watching Studio 23 Sunday TV Mass, we saw Fr. Mario Sobrejuanite. Maganda sya mag homily, palabiro, pero may mapupulot kang aral. Every end ng mass inaannounce nya na may healing mass daw si Fr. Fernando Suarez na gaganapin sa MOA on July 30, Monday at 3pm. Fr. Fernando Suarez is a very known Healing priest, sa Canada sya naka base. Pero pumupunta punta sya dito. Natuwa ako kasi baka eto na yung chance naming makapunta. So we set the date.

I’ve never been to Mall of Asia, sabi ko kay Mannix puntahan namin before mag Monday, so July 29, Sunday, pumunta kami just to know kung saan yung event. Sa Music Hall daw sa Entertainment Mall.

Monday, 7:00 am pa lang nakaligo na si Yvonne. By 9am nakaalis na kami ng bahay. Dumating kami sa MOA mga 10 mins before 10am. Madami na din ang tao… akala nga naming mauuna pa kami… pero tama lang ang dating namin. Umabot pa kami sa first 100 ng first batch. So pumila kami. Tapos may nag sabi sa amin na yung mga mag papa heal daw na naka wheel chair or Strollers, I papriority daw so iba ang ticket. Binigyan kami ng White ticket, isa sa akin at isa kay Yvonne. Sila mannix, byanan ko saka yaya ni Yvonne pumila sa red ticket. Then after namin makakuha ng ticket sabi pede daw muna kami magikot ikot at kumain ng lunch. Balik na lang kami by 12pm. Sa Center Stage Cinema na daw kami pumunta kasi magpapapasok na sila nun. So kumain na muna kami pero mga 12:30 na kami nakabalik. Pag akyat namin, ang haba na ng pila. Gosh.

Pila kami. Sabi ng mga nag aassist pila lang daw yun ng red Ticket. Sabi namin “San po ang pila ng white ticket?” “Naku mamaya pa yan papapasukin mga 3pm pa.” Ganon?! Naniwala naman ako, so tumabi muna kami. Pero ndi ako mapalagay. Sabi priority daw, saka 3pm ang start ng mass. Nag tanong kami ulit. Ganon pa din ang sinasabi nila, pila lang daw yun ng red Ticket. Naku! Kawawa naman si Yvonne, antagal naming inintay tong araw na toh tapos ndi makakaattend, ang aga pa naman naming dumating kanina mauna lang sa pila tapos ganito din pala. Mahigpit sila. Organized. Pero ndi yata lahat well informed.

Pero I really had this feeling na may mali eh. Pumunta kami ni Yvonne sa unahan ng pila. Tinanong ko kung san po ang pila ng White Ticket. Kasi ang sabi sa amin priority naman daw sila. Ndi naman sa nag papaimportante kami pero kung ndi lang sana ganon yung sinabi sa amin kanina eh di sana nakakuha kami ng red ticket. Kinulit ko yung mga nag aasist ng pila sa unahan. Then sinabi ko na yun yung pag kakainform sa amin kanina. Then sabi ni Mannix, cge mag red ticket na lang kami swap kami para lang makapasok si Yvonne. Thank God! May lumapit sa amin at sinabi pede na pumasok ang white ticket kasi priority yun. I really almost cried. I was relieved.

Pag pasok namin sa loob dun kami nakapila sa likod ng orchestra. Malapit lapit na kami sa dulo buti na lang nakaabot kami sa cutoff. Nakatayo lang ako pero okei lang. 1pm naka pasok na din sila mannix. Dun na sila sa pangatlong hilera.

Andaming tao puno ang loob ng cinema. All ages. From babies to oldies. May mga ndi makalakad, may mga naka stretchers pa nga daw. May mga bata na may Cerebral palsy, ung katabi ko baby din pero may butas ang ngala ngala. Ang hirap tandaan nung term sa sakit na yun. Wala ako nakita na same situation kay Yvonne.

All set na, si Fr. Suarez nalang inaantay. While waiting we were interviewed by a staff of ABC 5. Dun kasi yung Sunday TV Mass ni Fr. Suarez every Sunday at 1pm. Tinanong kung pano ba namin nalaman yung event, then questions about faith. Tapos kinukuhanan si Yvonne ng camera. Wow! Baka makita kami sa TV. Ehehehe.

At 3pm, Dumating na si Fr. Suarez at nag start na din ang mass. By his words, you will feel the Lord’s presence. And at the end of the mass he conducted a general healing prayer for all. Nakakagaan ng pakiramdam. Enough na yun sa akin. I know naman na HE’s always with us, guiding and protecting us, and leading us to the right path towards Him. Pero may narealize ako, sabi ni Father “Ask and it will be given to you.” Though, God knows our heart’s desire, He waits for us to ask for it. And we should be hopeful that it would be given to us in His time.

After ng mass, nag start na din ang healing, past 4pm na din. Inuna na yung pila namin since ndi makakaakyat sa stage yugn mga naka wheel chair and strollers, kaya pinaprioritize. Yung mga naka wheel chairs pinapatayo ni Father after nyang hawakan yung mga parts na may sakit. And you will hear their testimonials. And you won’t believe na eto yung mga ndi makalakad kanina na nakaayat pa ng stage. At last, it’s our turn. He touches Yvonne while saying a prayer, then Mannix and me, then me and Yvonne. It’s a wonderful feeling. I was teary eyed. I know God touches us that minute through Fr. Suarez.

After the healing session, we went home with a whole spirit and hopeful that everything will be fine and will happen according to His plan for us.

It has been a long day for us. But I don’t feel tired. It’s worth all the effort.

"Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened." —Matthew 7:7–8


God wants us to come to him with our needs and desires. He tells us that if we would only ask and have faith, we would receive.

No comments: